Blog ng Batang Tumatandang Paurong
The blog that speaks louder than words
-
No Comments
Strangely, pagkatapos ko mag-sign up sa mga seo related forums ay biglang may kung anu-anong error message ang nangyayri sa site na ito. Its either forbidden page o database connection error.
-
2 Comments
Wala kasi akong trabaho. Hindi ko yan ipinag-mamalaki ha. Nandito kasi ako sa bansang Singapore para magmuni-muni. Kaw na! Muni-muni lang sa Singapore pa.
Back to serious topic. So ito ngayon ang isa sa mga pinagkakaabalahan ko yung online presence ng aking blog. Importante kasi yun para sa branding para aking pag free freelance ng web hosting. Naks. Hindi naman career ito gusto ko lang ng may ginagawa. Hindi naman kasi ako yung tipong stuck in the mud na tao. Baliko ako sa search engine optimization. Isa sa mga makakatulong kung anong search keywords ang ginamit para mapunta sa iyong site ay ang google webmaster. Ito na nga at sinilip ko ang reports. Napansin ko na ang top keyword queries ay ang SLR Bag na medyo mahinang keyword kung google adsense ang pag-uusapan. Isa sa mga keyword na competitive ay insurance, sports at marami pang iba. Madami yan. At dahil sa sobrang competitive niya mahirap din ang kumita pero pag nag pr ka naman ayun na ang kita.
Dun sa nag-search ng SLR Bag sana nakatulong ako kahit papaano.
-
No Comments
Sino ka ba? para sa mga nagtataka kung sino ang may-ari ng blog na ito. At kung ano ang mapapala niyo sa blog na ‘to.
1. Hindi ito blog para gumawa ng pangalan sa Internet. Sapat na sa kin yung pangalan na binigay sa mundong ibabaw.
2. Hindi ito mainstream blog. Personal blog ito kaya kailangan radical ang idea. Wag mong ipamukha sa kin ang freedom of speech kung hindi mo naman ito ipinaglaban.
3. Nakahiligan ko ang mag-blog noong 2006.
4. Isa sa mga blog ko ay na-delete na.
5. Meron din akong blogspot para sa aking ibang idea. Maka-english ika nga.
6. At dahil ang blog ay bahagi ng Internet, nakahiligan ko ang magbasa tungkol sa adsense
7. Gusto kong matutunan ang Search Engine Optimization, Search Engine Marketing.
8. Pagala-gala din ako sa mga iba’t-ibang wordpress blog.
9. Nag-momotor ako. Meron din ako blog niyan.
10. Sa ngayon, nahihirapan akong mag-blog.
11. Kung sakaling niyong itatanong ang aking pangalan ako nga pala si Ph1l1p. Ito din ang domain name ng site na ito.
12. Nba playoffs ngayon kaya Boston Celtics ako.
13. Meron nga pala akong konting raket ito ay mag-benta ng web-hosting sa murang halaga.
14. Simula ng bata ako. Ngayon lang ako naging matanong.
15. Ipagpalagay natin impromptu ang may akda dito ayoko kasing tunog na rehearse ang post ko.Sa ganitong paraan ko na lang idadaan ang aking pagpakilala.
-
2 Comments
Dito talaga ako nag-umpisa ng blogging, dati may wordpress account ako. Gagawin ko lang payak ang aking pagpakilala. Bumili ako ng web hosting at domain para ituring bahay sa mundo ng Internet. Marami kayong maasahan dito sa blog ko pero sa totoo lang wala kasi madalas parang ako lang ang natutuwa sa pag-post ko sa blog. Matagal na rin ako nag-ba blog katunayan ito site sa motorcycle ang mga una kong pinagkaabalahan. Ito din pala ang Filipino counter part para sa aking blog tungkol kung papaano mamuhay sa blogging, sa madaling sabi making money online o making money thru blogging. Huwag kayo mag-alala hindi ito komersyalismo. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makapag-blog at makakilala ng bagong kaibigan sa mundo ng Internet. Malaking nawala sa akin at ang pag-blog ang namiss ko.

Recent Comments