Blog ng Batang Tumatandang Paurong

The blog that speaks louder than words

  • Ito ang problema kapag meron kang gustong marating. Nandyan yung inggitan. Hilahan pababa. Crab mentality ba. Ito ko pa rin maintindihan ang konsepto ng hacking.

    Ito at napakaraming intrusion ng aking site napakaraming kong intrusion. Why?

    2011-05-24 13:15:02 WARNING Login Failed: Incorrect Password For “admin”
    2011-05-24 12:28:42 WARNING Login Failed: Incorrect Password For “admin”
    2011-05-24 09:24:13 WARNING Login Failed: Incorrect Password For “admin”
    2011-05-24 09:06:41 WARNING Login Failed: Incorrect Password For “admin”
    2011-05-24 06:20:09 WARNING Login Failed: Incorrect Password For “admin”
    2011-05-24 03:21:58 WARNING Login Failed: Incorrect Password For “admin”
    2011-05-24 00:27:53 WARNING Login Failed: Incorrect Password For “admin”
    2011-05-23 21:37:15 WARNING Login Failed: Incorrect Password For “admin”

    Tingin ko nag-simula itong nung gumamit ako ng mga directory submission para madagdagan ang aking site traffic. Ngayon napag-tanto ko na mali ang ganitong diskarte. Lalo kang napapahamak. Siguro nga panahon lang ang makakapag-sabi kung kailan magkakaroon ng katuparan ang aking goal na web hosting at google adsense earnings.

    No Comments
  • Wala kasi akong trabaho. Hindi ko yan ipinag-mamalaki ha. Nandito kasi ako sa bansang Singapore para magmuni-muni. Kaw na! Muni-muni lang sa Singapore pa.

    Back to serious topic. So ito ngayon ang isa sa mga pinagkakaabalahan ko yung online presence ng aking blog. Importante kasi yun para sa branding para aking pag free freelance ng web hosting. Naks. Hindi naman career ito gusto ko lang ng may ginagawa. Hindi naman kasi ako yung tipong stuck in the mud na tao. Baliko ako sa search engine optimization. Isa sa mga makakatulong kung anong search keywords ang ginamit para mapunta sa iyong site ay ang google webmaster. Ito na nga at sinilip ko ang reports. Napansin ko na ang top keyword queries ay ang SLR Bag na medyo mahinang keyword kung google adsense ang pag-uusapan. Isa sa mga keyword na competitive ay insurance, sports at marami pang iba. Madami yan. At dahil sa sobrang competitive niya mahirap din ang kumita pero pag nag pr ka naman ayun na ang kita.

    Dun sa nag-search ng SLR Bag sana nakatulong ako kahit papaano.

    2 Comments