Blog ng Batang Tumatandang Paurong

The blog that speaks louder than words

  • Sunod sunod pala ang paglabas ng mga Philippine team. Ibig kong sabihin, panay ang blog natin sa mga sports.

    - Nandiyan ang Philippine Dragon Boat Team.
    - Nandiyan ang Philippine Rugby Team
    - Nandiyan ang Phillippine Basketball Team
    - Nandiyan ang Philippine Football Team.
    - Nandiyan ang Philippine Team Pacquiao.

    Ewan ko ba pero para palabas lang ito ng mga matataas na opisyal sa gobyerno para malihis ang focus ng tao sa presyo ng langis. Alam naman natin na walang aamin sa kanila dahil sa due process kaya hindi ko na pahahabain ang blog na ito.

    No Comments
  • Ang hirap lang sa pagiging blogger ay kung kailan hindi mo binabalak magsulat ay biglang ka na lang nagkakaroon ng ideya tapos pagdating mo sa harap ng pc at gusto mo nang isulat ay chaka naman mawawala ang ideya itong. Ang siste walang update ang blog mo.

    Meron lang kasi akong follow-up patungkol dun sa huling kong post. Sabi nga doon kaya nag-tataas ang presyo ng langis, ay dahil doon sa mga tumataas nilang expense. Speaking of expense, hindi kaya isa sa mga expense na nababanggit ko ay ang pagbibigay bonus sa mga players ng Petron. Hindi ba’t ang Petron ang nag-champion sa PBA last conference.

    No Comments
  • Na-dyologan ka ba sakin?

    Wala na akong maisip na topic para sa blog. Kaya naman pagdiskitahan natin ang mga kumpanya ng langis.

    Isipin mo totoo bang ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis ay dahil sa pagtaas din ng presyo nito sa pangdaigdigan merkado?

    Halimbawa tumaas ngayon Biyernes ang presyo sa world market ibig sabihin iyong ibebenta ngayon sa Pilipinas ay tataas na din. Pero yung binenta ba na langis dito sa Pilipinas ay galing na sa stock na tumaas yung presyo? Hindi di ba? Para imposible yung ganun. Galing pa sa ibang bansa yung langis tapos bigla-bigla na lang tataas ang presyo. Wala pa naman akong naririnig na eroplano na nagdedeliver ng langis. Kahit pa sabihin mong may purchase order na yan puwede mo pa naman din ma-cancel yun kasi wala nama mag-go signal na purchase order na mahal ang puhunan.

    Bakit hindi niyo pa kasi aminin na kaya mataas ang presyo ng langis ay para mabawi niyo ang mga napakamahal niyong suwelduhan na tao.

    No Comments