Blog ng Batang Tumatandang Paurong

The blog that speaks louder than words

  • Totoo pa lang maraming mali sa maling akala. Mali nga e. Akala ko ang larong basketball ay made from outside. Ang totoo pala ito ay may siyensya at tinatawag itong sports science.

    Ayon sa sports science bureau kaya ganoon na lamang mag-laro si Rondo ay dahil sa mga sumusunod.
    1. Wing span is not proportion to his height.
    2. Hindi din proportion ang laki ng kamay sa kanyang taas.

    Ito ang napapala ng kapapanood ng Crime Scene Investigation (Original, Miami, NY) at Hawaii Five-0 (H50).

    Sabi ko na nga ba meron false ads ang Nike tungkol sa Game is Made Outside. Lol

    Ang blogging ba may science?

    No Comments
  • Isang mahusay na sagot mula sa mga mahuhusay na staff ng WordPress.

    Makapag-apply nga bilang isang happiness engineer.

    No Comments
  • Hindi pa rin ako nakakagawa ng isang mahusay na post. Yung may sense. Yung may silbi sa mga gumagamit ng Internet. Hanggang ngayon hinihintay ko pa rin ang oras na ‘yun.

    Napagtanto ko kasi bakit kailangan akong i-hacked? Ito kasi ang report na lumabas sa mga event viewer na plugin para sa wordpress.

    213.191.21.119 Login Failed: Incorrect Password For “admin” 2011-05-16 08:08:16

    Sigurado ako at hindi pa ako naka-online ng mga oras na yan. Isa pa ang IP na iyan ay sa Pilipinas nanggaling samantalang nasa Singapore ako. Iba ang IP na lumalabas kapag successful login ang attempt. Dahil ba ito sa post kong Animal Crush Video at gusto nilang itake down ang site ko? Ibig sabihin ba nito effective ang campaign ko. O meron nakakilala sakin na alam nila na may site ako. Alam ko naman na puwede niyong malaman itong site na ito. Mag ta try ba ako mag-submit ng mga website sa search engine gamit ang aking pangalan kung itatago ko pa? Pati kailangan real name ang gamitin kapag meron kang konting negosyo(lol).

    Buhay nga naman.

    1 Comment
  • Sumahin natin ang nakaraan semana santa.

    - Sa tagal ko nang hindi nalinis ang motor sa panahon ito nabigyan ko ng pagkakataon linisin ito.
    - Inayos ko ang iba kong blog para sa search engine.
    - Nagbasa ako ng technique para sa campaign ng adsense blog ko.
    - Dagdagan mo din ang tungkol sa link building at backlink.
    - Nagbalak akong magswimming sa beach kaso napakaraming tao ayon sa mga balita
    - Nagbalak din ako ng road trip para mahasa ang aking skills sa pag momotor kaso madami din ang bumiyahe.
    - Kaya naglinis na lang ako ng motor.

    Ang post na ito ay ginamitan ng ipod touch. Sinubakan ko lang kung ano ang pakiramdam.

    No Comments
  • Sino ka ba? para sa mga nagtataka kung sino ang may-ari ng blog na ito. At kung ano ang mapapala niyo sa blog na ‘to.

    1. Hindi ito blog para gumawa ng pangalan sa Internet. Sapat na sa kin yung pangalan na binigay sa mundong ibabaw.
    2. Hindi ito mainstream blog. Personal blog ito kaya kailangan radical ang idea. Wag mong ipamukha sa kin ang freedom of speech kung hindi mo naman ito ipinaglaban.
    3. Nakahiligan ko ang mag-blog noong 2006.
    4. Isa sa mga blog ko ay na-delete na.
    5. Meron din akong blogspot para sa aking ibang idea. Maka-english ika nga.
    6. At dahil ang blog ay bahagi ng Internet, nakahiligan ko ang magbasa tungkol sa adsense
    7. Gusto kong matutunan ang Search Engine Optimization, Search Engine Marketing.
    8. Pagala-gala din ako sa mga iba’t-ibang wordpress blog.
    9. Nag-momotor ako. Meron din ako blog niyan.
    10. Sa ngayon, nahihirapan akong mag-blog.
    11. Kung sakaling niyong itatanong ang aking pangalan ako nga pala si Ph1l1p. Ito din ang domain name ng site na ito.
    12. Nba playoffs ngayon kaya Boston Celtics ako.
    13. Meron nga pala akong konting raket ito ay mag-benta ng web-hosting sa murang halaga.
    14. Simula ng bata ako. Ngayon lang ako naging matanong.
    15. Ipagpalagay natin impromptu ang may akda dito ayoko kasing tunog na rehearse ang post ko.

    Sa ganitong paraan ko na lang idadaan ang aking pagpakilala.

    No Comments
  • Dito talaga ako nag-umpisa ng blogging, dati may wordpress account ako. Gagawin ko lang payak ang aking pagpakilala. Bumili ako ng web hosting at domain para ituring bahay sa mundo ng Internet. Marami kayong maasahan dito sa blog ko pero sa totoo lang wala kasi madalas parang ako lang ang natutuwa sa pag-post ko sa blog. Matagal na rin ako nag-ba blog katunayan ito site sa motorcycle ang mga una kong pinagkaabalahan. Ito din pala ang Filipino counter part para sa aking blog tungkol kung papaano mamuhay sa blogging, sa madaling sabi making money online o making money thru blogging. Huwag kayo mag-alala hindi ito komersyalismo. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makapag-blog at makakilala ng bagong kaibigan sa mundo ng Internet. Malaking nawala sa akin at ang pag-blog ang namiss ko.

    2 Comments