Blog ng Batang Tumatandang Paurong

The blog that speaks louder than words

  • Sunod sunod pala ang paglabas ng mga Philippine team. Ibig kong sabihin, panay ang blog natin sa mga sports.

    - Nandiyan ang Philippine Dragon Boat Team.
    - Nandiyan ang Philippine Rugby Team
    - Nandiyan ang Phillippine Basketball Team
    - Nandiyan ang Philippine Football Team.
    - Nandiyan ang Philippine Team Pacquiao.

    Ewan ko ba pero para palabas lang ito ng mga matataas na opisyal sa gobyerno para malihis ang focus ng tao sa presyo ng langis. Alam naman natin na walang aamin sa kanila dahil sa due process kaya hindi ko na pahahabain ang blog na ito.

    No Comments
  • Pakulo ng google sa kanilang homepage.

    Sarap mag-search.

    No Comments
  • Isa ulit performance ng Oh Ma boy Sistar19.

    Performance na lang ang panoorin mo para pang-tanggal ng stress.

    No Comments
  • Ibang bersyon ulit ng Oh Ma Boy ng Sistar19.

    Uulitin ko lang, hindi importante kung ano ang kinakanta nila mas importante ang performance.

    1 Comment
  • May ibang bersyon pala itong Oh Ma Boy ng Sistar19.

    Hindi ko na pinapansin yung kanta yung performance na lang. >:).

    1 Comment
  • Ang hirap lang sa pagiging blogger ay kung kailan hindi mo binabalak magsulat ay biglang ka na lang nagkakaroon ng ideya tapos pagdating mo sa harap ng pc at gusto mo nang isulat ay chaka naman mawawala ang ideya itong. Ang siste walang update ang blog mo.

    Meron lang kasi akong follow-up patungkol dun sa huling kong post. Sabi nga doon kaya nag-tataas ang presyo ng langis, ay dahil doon sa mga tumataas nilang expense. Speaking of expense, hindi kaya isa sa mga expense na nababanggit ko ay ang pagbibigay bonus sa mga players ng Petron. Hindi ba’t ang Petron ang nag-champion sa PBA last conference.

    No Comments
  • Na-dyologan ka ba sakin?

    Wala na akong maisip na topic para sa blog. Kaya naman pagdiskitahan natin ang mga kumpanya ng langis.

    Isipin mo totoo bang ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis ay dahil sa pagtaas din ng presyo nito sa pangdaigdigan merkado?

    Halimbawa tumaas ngayon Biyernes ang presyo sa world market ibig sabihin iyong ibebenta ngayon sa Pilipinas ay tataas na din. Pero yung binenta ba na langis dito sa Pilipinas ay galing na sa stock na tumaas yung presyo? Hindi di ba? Para imposible yung ganun. Galing pa sa ibang bansa yung langis tapos bigla-bigla na lang tataas ang presyo. Wala pa naman akong naririnig na eroplano na nagdedeliver ng langis. Kahit pa sabihin mong may purchase order na yan puwede mo pa naman din ma-cancel yun kasi wala nama mag-go signal na purchase order na mahal ang puhunan.

    Bakit hindi niyo pa kasi aminin na kaya mataas ang presyo ng langis ay para mabawi niyo ang mga napakamahal niyong suwelduhan na tao.

    No Comments
  • - Ang tagal ko ng walang update.
    - Ano ba ang magandang topic ngayon?
    - Pulitika?
    - Sige, bigyan natin pansin ang mga pulitiko.
    - Gusto na naman nilang patunayan na mali ang isa’t isa.
    - Ang suma tutal wala naman nagiging desisyon.
    - Puro lang iimbestigahan.
    - Kahit na maraming silang ebidensya wala pa rin nagiging resulta.
    - Kasi nga kulang kulang naman ang tetestigo.
    - Babalik ulit sa kanila ang sumbat.
    - Ito nga ang maganda sa Pilipinas kahit sino ka pa puwede ka maging Judge.
    - Kaya ayoko mag-post ng tungkol sa pulitika dahil wala naman itong laman.
    - Para lang itong lata na ginagamit sa tumbang preso.
    - Maingay

    No Comments
  • Uso ang mga buwaya di ba? Uso din ang botcha. Bakit hindi ganito ang gawin.

    Pro.
    - Mag breed ng maraming buwaya o kaya ay manghuli ng buwaya at ilagay ito sa safe na ecopark.
    - Hindi umaapaw kapag lumakas ang ulan katulad ng kay undoy.
    - Ibig sabihin walang rason para makakawala ang mga buwaya.
    - Dahil maraming botcha. Ito ang ipakain sa mga buwaya.
    - Puwede mag-donate ang mga pig farmers o kaya ay ibenta ito sa mababang halaga.
    - Puwede niyo din itong ibenta sa mga zoo na may buwaya.
    - Kasi hindi namamatay ang mga buwaya sa botcha ayon sa pag-aaral.
    - Kumita ka na hindi ka pa nandamay ng ibang tao ng kabalbalan mo.
    - Alagaan ng mabuti ang mga buwaya.
    - Hindi ba’t maraming naghahanap ng balat ng buwaya at iba pang parte nito kaya bebentahan niyo sila.
    - Ulitin niyo lang at i-maintain stock ng buwaya.

    Con

    - Sa mga may-ari ng Zoo bakit naman sila bibili ng botcha kung mas mura eh di liliit ang kickback nila.
    - Sa mga “legal” na negosyo bakit sila bibili pa ng buwaya kung libre lang ang manghuli nito?

    No Comments
  • 1 Comment