Blog ng Batang Tumatandang Paurong

The blog that speaks louder than words

  • Mukhang maiinit init pa ito. Meron gumamit ng isang hate comment sa facebook tungkol sa salitang Igorot. At nagamit ito sa hindi kagandahang paraan.

    Meron ngang rule of thumb sa mga ganyang salita kung hindi ka lang din isa sa mga binabanggit mo huwag mo na din itong gamitin. Iyon ay kung hindi ka naman Igorot huwag mo nang gamitin ito sa di magandang paraan. Kung hindi ka lang din Baluga huwag mo din tawagin baluga ang iba. Kung hindi ka lang din mangyan huwag na huwag mong tatawagin mangyan ang iba. Sigurado ako meron dahilan ang taong ito sa paggamit ng Igorot bilang derogatory term. At meron din ibang paraan para ipawihatig ang kanyang pagkakaupset sa post na kaaya-aya. Hindi ko sinasabi na perpekto ako at pinost ko pa ito. Lahat tayo nagkakamali. Lahat tayo nakakagawa ng hindi maganda. Imposible makahanap ng perpektong tao. Ang punto lang ng post na ito ay ipaalala na kapag may ganitong hate comments siguraduhin muna natin ang mga facts. Tingnan natin kung ang profile ng nagsimula ng hate comments ay naka-private o naka public. Kung naka private sigurado ako for keeps lang yun sa mga taong nasa kanyang network at kanyang pinagkakatiwalaan. At imbes na salungatin natin tulungan natin na intindihin ang kanyang pagkatao baka may malalim itong problema.

    No Comments
  • Ano meron ang Internet at para bagang naging bahagi na ito ng ating pang-araw-araw na buhay?

    Sasagutin ko yan sa susunod na post

    No Comments
  • Isa na naman itong video na ayon sa isang blog ay pampatanggal ng stress.

    Total Performer ito tulad ng Oh Ma Boy by sistar19.

    No Comments