Blog ng Batang Tumatandang Paurong
The blog that speaks louder than words
-
No Comments
Isa-isahin natin ang puwede o maari kapupulutan ng aral sa nakalipas na NBA-PBA Allstar the ultimate challenge. Good or bad depende sa iyong perspective.
Economy
- Meron palang kakayahan ang mga Filipino na mag invite ng mga NBA Players para sa isang exhibition game. So hndi totoo na naghihirap ang Pilipinas.
- Sold out ang mga tickets ng two-day exhibition games. Maraming pera nakatago ang mga mamamayan ng Pilipinas. Ang iba, idedepensa na abot lang ng mga teams sa PBA ang kanilang tickets. Sponsored daw ba.Sports
-Hindi dahilan ang height para hindi makalaro ng basketball. Dahilan lang ito ng mga mahihina ng loob.
- Nagkaroon na ng exposure ang mga Pilipino na makalaro ang mga NBA Players. Ano susunod? Unang pinoy player sa NBA?
- Kahit exhibition game ito pinatunayan pa rin ng mga Pinoy players na kaya nilang maglaro ng basketball laban sa mga bigatin ng NBA.MVP
- Siya ang pinakamayaman na totoong Filipino. Walang halong dugong intsik o kastila.
- Napakayaman ng taong ito. Kobe Bryant, Derrick Rose, Chris Paul, Kevin Durant sa isang team, magkano naman di ba?
- Meron siyang political will para gawin kung ano ang makakabuti sa Basketball.
- Advocacy niya talaga ang Basketball sa Pilipinas.
- Pinatunayan niya na puwede nga siyang mag-mayari ng isang team sa NBA. Iyon ay kung tunay ang napapabalita na bibili siya ng isang team.
-Walang sinabi ang mga matatagal ng owner ng teams sa PBA. Kayo lang ang nakinabang sa kita ng PBA Games. Ano napadala niyo dito sa Pilipinas? Import ng teams niyo? Huwag niyo akong masamain.
-Walang sinabi ang mga owners ng PBA Teams kay MVP dahil hindi nila kayang itaya ang pangalan ng kumpanya para sa karangalan ng Pilipinas.
- Siya ang Mark Cuban ng Pilipinas. Gusto mo maging kampeon sa Basketball gumastos ka.
- Sigurado maraming maiinggit sa kanya.NBA Players
- Ang NBA lockout ba ang dahilan kaya niyo tinanggap ang alok para sa isang exhibition game. Huwag niyong masamain.
- Sana next time meron na ulit.Araneta Coliseum Ticketing System
- Sana mawala na ang mga scalper. At pag sinabi kong sistema hindi ito yung computerization.Others
- Sana under pa rin tayo ng Amerika para hindi problema ang pagpunta dito ng mga basketbolista sa NBA.
- Sinabi ba talaga ni Jose Rizal na nais niyang maging malaya sa mananakop o gusto niya lang ng tamang at pantay na pag-trato? -
2 Comments
Pinoy can’t dunk? Watch this.
Sa aking palagay si Japeth Aguilar ang pinaka athletic sa line-up ng Smart Gilas Pilipinas.
Itong susunod na video ang pinaka highlight talaga ng pag-bisita ng mga NBA All star. At wala itong kinalaman sa basketball.

Recent Comments