Blog ng Batang Tumatandang Paurong

The blog that speaks louder than words

  • Mukhang maiinit init pa ito. Meron gumamit ng isang hate comment sa facebook tungkol sa salitang Igorot. At nagamit ito sa hindi kagandahang paraan.

    Meron ngang rule of thumb sa mga ganyang salita kung hindi ka lang din isa sa mga binabanggit mo huwag mo na din itong gamitin. Iyon ay kung hindi ka naman Igorot huwag mo nang gamitin ito sa di magandang paraan. Kung hindi ka lang din Baluga huwag mo din tawagin baluga ang iba. Kung hindi ka lang din mangyan huwag na huwag mong tatawagin mangyan ang iba. Sigurado ako meron dahilan ang taong ito sa paggamit ng Igorot bilang derogatory term. At meron din ibang paraan para ipawihatig ang kanyang pagkakaupset sa post na kaaya-aya. Hindi ko sinasabi na perpekto ako at pinost ko pa ito. Lahat tayo nagkakamali. Lahat tayo nakakagawa ng hindi maganda. Imposible makahanap ng perpektong tao. Ang punto lang ng post na ito ay ipaalala na kapag may ganitong hate comments siguraduhin muna natin ang mga facts. Tingnan natin kung ang profile ng nagsimula ng hate comments ay naka-private o naka public. Kung naka private sigurado ako for keeps lang yun sa mga taong nasa kanyang network at kanyang pinagkakatiwalaan. At imbes na salungatin natin tulungan natin na intindihin ang kanyang pagkatao baka may malalim itong problema.

    No Comments
  • Ano meron ang Internet at para bagang naging bahagi na ito ng ating pang-araw-araw na buhay?

    Sasagutin ko yan sa susunod na post

    No Comments
  • Isa na naman itong video na ayon sa isang blog ay pampatanggal ng stress.

    Total Performer ito tulad ng Oh Ma Boy by sistar19.

    No Comments
  • Maka-Boston ka ba? Puwes, panoorin mo ang Boston Celtics Black and Yellow Parody. Hindi yan pakiusap, utos ko yan. :D

    Sana matapos na ang NBA Lockout.

    No Comments
  • Mula sa isang NBA player na si Glen Davis at ang kanyang teach me how to dougie version.

    No Comments
  • Isa-isahin natin ang puwede o maari kapupulutan ng aral sa nakalipas na NBA-PBA Allstar the ultimate challenge. Good or bad depende sa iyong perspective.

    Economy
    - Meron palang kakayahan ang mga Filipino na mag invite ng mga NBA Players para sa isang exhibition game. So hndi totoo na naghihirap ang Pilipinas.
    - Sold out ang mga tickets ng two-day exhibition games. Maraming pera nakatago ang mga mamamayan ng Pilipinas. Ang iba, idedepensa na abot lang ng mga teams sa PBA ang kanilang tickets. Sponsored daw ba.

    Sports
    -Hindi dahilan ang height para hindi makalaro ng basketball. Dahilan lang ito ng mga mahihina ng loob.
    - Nagkaroon na ng exposure ang mga Pilipino na makalaro ang mga NBA Players. Ano susunod? Unang pinoy player sa NBA?
    - Kahit exhibition game ito pinatunayan pa rin ng mga Pinoy players na kaya nilang maglaro ng basketball laban sa mga bigatin ng NBA.

    MVP

    - Siya ang pinakamayaman na totoong Filipino. Walang halong dugong intsik o kastila.
    - Napakayaman ng taong ito. Kobe Bryant, Derrick Rose, Chris Paul, Kevin Durant sa isang team, magkano naman di ba?
    - Meron siyang political will para gawin kung ano ang makakabuti sa Basketball.
    - Advocacy niya talaga ang Basketball sa Pilipinas.
    - Pinatunayan niya na puwede nga siyang mag-mayari ng isang team sa NBA. Iyon ay kung tunay ang napapabalita na bibili siya ng isang team.
    -Walang sinabi ang mga matatagal ng owner ng teams sa PBA. Kayo lang ang nakinabang sa kita ng PBA Games. Ano napadala niyo dito sa Pilipinas? Import ng teams niyo? Huwag niyo akong masamain.
    -Walang sinabi ang mga owners ng PBA Teams kay MVP dahil hindi nila kayang itaya ang pangalan ng kumpanya para sa karangalan ng Pilipinas.
    - Siya ang Mark Cuban ng Pilipinas. Gusto mo maging kampeon sa Basketball gumastos ka.
    - Sigurado maraming maiinggit sa kanya.

    NBA Players
    - Ang NBA lockout ba ang dahilan kaya niyo tinanggap ang alok para sa isang exhibition game. Huwag niyong masamain.
    - Sana next time meron na ulit.

    Araneta Coliseum Ticketing System
    - Sana mawala na ang mga scalper. At pag sinabi kong sistema hindi ito yung computerization.

    Others
    - Sana under pa rin tayo ng Amerika para hindi problema ang pagpunta dito ng mga basketbolista sa NBA.
    - Sinabi ba talaga ni Jose Rizal na nais niyang maging malaya sa mananakop o gusto niya lang ng tamang at pantay na pag-trato?

    No Comments
  • Pinoy can’t dunk? Watch this.

    Sa aking palagay si Japeth Aguilar ang pinaka athletic sa line-up ng Smart Gilas Pilipinas.

    Itong susunod na video ang pinaka highlight talaga ng pag-bisita ng mga NBA All star. At wala itong kinalaman sa basketball.

    2 Comments
  • Hindi ka rin ba nakabili ng ticket para sa mapanood ng live ang NBA tinatampok sina Kobe Bryant, Chris Paul, Derrick Rose, Kevin Durant at iba pa at PBA. Puwes meron Internet at mga users na gumagawa ng Video para diyan.

    Ilan lang yan sa mga highlights sa two day exhibition game dito sa Pilipinas. Nakakainis ang mga scalper.

    No Comments
  • Uso ang pinoy henyo dito sa atin di ba? Meron ngang palaro nito sa TV. Minsan larong katuwaan lang. Tulad nito.

    Ito nga ang isang comment dun na kapansin-pansin e.

    Bata- “Tao?”

    Ina- “pwede..”

    Bata- “Kangkong!?!”

    haha Kangkong!!!

    No Comments
  • Nag-retiro na si Yao Ming sa paglalaro sa NBA.

    Paalam Shaolin ng Basketball isa kang malaking kawalan. Sana’y ikaw ay mapabilang din sa mga listahan ng Hall of Fame. Ang iyong impact ay hindi malilimutan sa laro ng basketball. Sa katunayan kapag basketball ang pinag-uusapan parang nagkakaisa ang lahat ng bansa at nalilimutan ang isyu tungkol sa Spratly. Sports lang.

    No Comments