Blog ng Batang Tumatandang Paurong

The blog that speaks louder than words

  • Asan na ba ang Team Azkal? Ano na ba nangyari sa schedule? Anong bansa na ba ang kalaban nila? May bago ba sa line-up nila? Kamusta na kaya ang paghahanda? Meron ba kayong laro sa Asian Games? May Invitational games ba kayo? Anong league na ba kayo naglalaro? Nasa FIFA World cup na kayo?

    Tinabunan na yata sila ng Royal Wedding at Pacquiao v Mosley. Gusto niyo official home page? Kontakin niyo lang ako dito sa site ko para sa domain at web hosting. lol.

    Nagtatanong lang.

    No Comments
  • Kung may ipad ka o kaya ipad2? Malamang may telebisyon ka? Tama ang logic di ba? At dahil dun alam niyong may Royal Wedding (suwerte kung may imbitasyon ka) .

    Kung ang tingin niyo sa Royal wedding ay walang kabuluhan. Ito na ang pagkakataon mo para maging positibo. Tawagin niyo ang mga anak at mga mag-aaral para may malaman sila tungkol sa Chivalry, Knight and his shining Armour, King and Queen, Prince at Princess. Dagdag impormasyon yan. Ipasulat mo sa mga bata kung anu-anong mahalagang detalye tungkol sa Westminster Abby o Buckingham Palace o kay Queen Elizabeth II o Prince Charles o kaya kay Princess Diana. Malaki ang maitutulong niyan lalo na kung ayaw magbasa ng libro o mag research sa Internet. Malaki ang maitutulong niyan sa subject na HEKASI o kaya History. Malay mo ito na ang huling Royal Wedding.

    Ang sarap sana manood ngayon kasi walang komersyal ang siste Royal Wedding nga. Wala bang Coke Wedding?

    No Comments
  • Ito nga pala yung palong-palo Nokia phone na wifi ready na ginamit ko sa SM MOA at SM City Bicutan.

    Nokia Touch Type (Nokia Style)

    Wifi Ready
    2 GB Memory Card
    5 Megapixel Camera
    Radio
    MP3 Player and MP4 player.
    Touch Panel

    Kailangan may Nokia OVI account ka para magamit mo yung free na Nokia Apps at themes. Huwag kalimuatan bumili ng LCD protector para screen at Jello Casing para naman sa casing, dagdag proteksyon ito para sa mga scratches. Sa aking palagay, ang mga wifi ready na cellphone ang magiging in demand sa merkado. Nasabi ko yan dahil na rin sa mga social sites tulad twitter, plurk at facebook sa ganitong paraan ang pag-update ng account ay magiging mabilis. Dagdag mo pa yung mga establishment na nagbibigay ng libreng wifi internet connection. ;P. Ano say ng Nokia?

    1 Comment
  • Sumahin natin ang nakaraan semana santa.

    - Sa tagal ko nang hindi nalinis ang motor sa panahon ito nabigyan ko ng pagkakataon linisin ito.
    - Inayos ko ang iba kong blog para sa search engine.
    - Nagbasa ako ng technique para sa campaign ng adsense blog ko.
    - Dagdagan mo din ang tungkol sa link building at backlink.
    - Nagbalak akong magswimming sa beach kaso napakaraming tao ayon sa mga balita
    - Nagbalak din ako ng road trip para mahasa ang aking skills sa pag momotor kaso madami din ang bumiyahe.
    - Kaya naglinis na lang ako ng motor.

    Ang post na ito ay ginamitan ng ipod touch. Sinubakan ko lang kung ano ang pakiramdam.

    No Comments
  • Ito ang kagandahan sa SM Malls – free wifi. Kaya kung blogger ka at may nais kay ipost ay instant meron ka na agad update sa blog mo.

    No Comments
  • Kung nasa sm moa kayo. Free wifi dito. Ito post na to ay para sa mga hindi nakakaalam.

    1 Comment
  • Medyo nanganganay ulit ako sa pagbloblog. Naglilibot sa blogosphere tapos dun lang ako kumukuha ng topic. Tulad ng climate change. Nabasa ko kasi na ang bawat isa ay may puwedeng gawin para maibsan ang climate change. Meron siyang anim na paraan.

    Ang akin lang ay mag-alaga ng green.

    Kahit bonsai yan mga green at plant pa rin yan. Nag-process pa rin ng photosynthesis gamit carbon dioxode. At bakit bonsai kasi nga wala ng lupa at sementado sa bahay. Alanganaman mag-alaga ako ng mangga sa paso. hehe joke lang.

    2 Comments
  • Alam niyo ba yung mobile internet?

    Ito yung gamit mo ang cellphone para kumonek sa Internet. Tulad ng ginagawa ko ngayon. Nag-update ako ng blog gamit yung nokia c3 touch and type. Mahirap din gamitin ito kasi hindi ka puwede mag tab-browsing sa opera mini. Hindi din madali ang may link at mag-attach ng pictures. Ang advantage lang nito ay kung meron kang twitter at plurk.

    Maniniwala ka ba na naka mobile Internet?

    No Comments
  • Sino ka ba? para sa mga nagtataka kung sino ang may-ari ng blog na ito. At kung ano ang mapapala niyo sa blog na ‘to.

    1. Hindi ito blog para gumawa ng pangalan sa Internet. Sapat na sa kin yung pangalan na binigay sa mundong ibabaw.
    2. Hindi ito mainstream blog. Personal blog ito kaya kailangan radical ang idea. Wag mong ipamukha sa kin ang freedom of speech kung hindi mo naman ito ipinaglaban.
    3. Nakahiligan ko ang mag-blog noong 2006.
    4. Isa sa mga blog ko ay na-delete na.
    5. Meron din akong blogspot para sa aking ibang idea. Maka-english ika nga.
    6. At dahil ang blog ay bahagi ng Internet, nakahiligan ko ang magbasa tungkol sa adsense
    7. Gusto kong matutunan ang Search Engine Optimization, Search Engine Marketing.
    8. Pagala-gala din ako sa mga iba’t-ibang wordpress blog.
    9. Nag-momotor ako. Meron din ako blog niyan.
    10. Sa ngayon, nahihirapan akong mag-blog.
    11. Kung sakaling niyong itatanong ang aking pangalan ako nga pala si Ph1l1p. Ito din ang domain name ng site na ito.
    12. Nba playoffs ngayon kaya Boston Celtics ako.
    13. Meron nga pala akong konting raket ito ay mag-benta ng web-hosting sa murang halaga.
    14. Simula ng bata ako. Ngayon lang ako naging matanong.
    15. Ipagpalagay natin impromptu ang may akda dito ayoko kasing tunog na rehearse ang post ko.

    Sa ganitong paraan ko na lang idadaan ang aking pagpakilala.

    No Comments
  • Madali bang tumubo ang bigote, balbas, patilya and karug sa iyong mukha. Puwes bumili ka ng tinatawag nilang mobile shave. Puwede itong call and sent ng text message (mobile nga e). LOL joke lang. Maniwala may — sa puwet. haha :P

    Medyo may kamahalan sa halagang P1800 pero sulit din kasi kailangan sa madaliang gamit. Yung tipong kakaligo mo pa lang parang gusto mo na pumasok sa opisina kasi male late ka na. At least kapag meron ganito kahit habang naglalakad puwede din. Multi tasking diba. Available nga pala ‘to sa mga SM Supermalls pero kung may hinanakit ka sa pamilya Sy try mo ang hortaleza. Pero iba pa din ang hagod ng manual na pang-ahit.

    2 Comments